
Aminado ang star ng Maging Sino Ka Man na si David Licauco na matapos niyang gawin ang action stunts nila para sa serye ay may nadiskubre siya sarili.
“Na-realize ko na mas gusto ko pala 'yung action. It is something na hindi mo kasi nagagawa in real life,” pagbabahagi nito sa interview niya kay Cata Tibayan sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras.
Dagdag pa ng Pambansang Ginoo, “It's just different and maganda 'yung may bago ka sa buhay.”
Ibinahagi rin ng aktor na kahit nasa taping, tuloy pa rin siya sa pagwo-work out para mapanatiling malakas ang kanyang katawan.
Ani David, “Minsan nase-strain 'yung likod mo kasi takbo ka ng takbo, talon-talon, 'yung knee mo minsan medyo mag-stiff the next day. Masakit 'yung katawan mo the next day, so 'yun 'yung masaya kasi gusto ko 'yung ganun.”
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG INTERESTING FACTS TUNGKOL KAY DAVID SA GALLERY NA ITO:
Samantala, makakasama rin ni David ang Cinemalaya 2023 Best Actor awardee na si Mikoy Morales at ayon sa aktor, ay “dawit” siya sa mga bardagulang kinakasangkutan ni Carding, ang karakter ni David.
Paliwanag ni Mikoy, “Mas pala-away kasi 'yung environment na kung nasaan 'yung mga characters namin e, so takaw kami sa gulo. Takaw kami sa mga sindikato.”
Nang tanungin si David kung ano ang dapat abangan ng mga manonood sa first week ng serye, ang sagot ng aktor, “Action-packed 'yung pilot week and of course, maganda dun si Barbie Forteza.”
“Kita naman natin dun sa mga shots, trailer, na maganda and magaling talaga si Barbie,” pagtatapos nito.
Panoorin ang buong interview ni David dito: