What's on TV

Maging Sino Ka Man: Dino at Carding, nagkakaibigan na ba?

By Jansen Ramos
Published October 8, 2023 7:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alice Guo to undergo 60-day orientation, assessment in women’s correctional —BuCor
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar
Number coding suspended on Dec. 8

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco in maging sino ka man


Sa nakaraang linggo ng 'Maging Sino Ka Man,' nangako si Carding (David Licauco) kay Dino (Barbie Forteza) na magbabagong buhay na siya para mapabalik ang huli sa kanyang poder matapos itong umalis.

Kaabang-abang ang mga eksena sa bagong nagpapakilig tuwing gabi, ang action-drama series na Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan ng breakout loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.

Sa nakaraang linggo ng special limited series, tila may kakaiba nang nararamdaman si Dino (Barbie Forteza) para kay Carding (David Licauco).

Ito ay matapos pinigilan siya ng binata na umalis. Nagdesisyon si Dino na umalis sa bahay ni Carding nang masangkot sila sa isang delikadong misyon kung saan involved si Frank (ER Ejercito).

Kinonsensya ni Dino si Carding dahil sa krimen at pagnanakaw nitong ginagawa kaya natauhan ang huli nang umalis si Dino sa kanyang poder.

Nangako naman si Carding kay Dino na magbabagong buhay na siya at maghahanap ng marangal na trabaho alang-alang sa kanyang mga ampon.

May feelings na rin kaya si Carding para kay Dino?

Patuloy na subaybayan ang Maging Sino Ka Man weeknights, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang special limited series sa GTV sa ganap na 9:40 ng gabi.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Maging Sino Ka Man sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

NARITO ANG IBA PANG KILIG MOMENTS NG BARDA: