TV

David Licauco, sinabing mas maraming kilig scenes sa 'Maging Sino Ka Man' finale

By Jansen Ramos

Ilang gabi na lang, mapapanood na ang inaabangang pagtatapos ng special limited series na Maging Sino Ka Man.

Mapapanood ang huling episode ng pinagbibidahang serye nina Barbie Forteza at David Licauco sa Biyernes, November 3.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay David noong nakaraang Biyernes, October 27, nagkwento ang aktor tungkol sa mga dapat abangan sa mga natitirang episode ng Maging Sino Ka Man.

Bahagi niya, "Marami pang aabangan na action scenes and love scenes."

Ani David, asahan daw na mas pakikiligin nila ni Barbie ang BarDa fans.

Patuloy niya, "Love scenes, meaning 'yung mga nakakakilig kasi, I think, the first few weeks were mostly action scenes saka about family saka do'n sa mga anak ako, sa mga inampon ko na bata so I think 'yung mga week eight 'yun na 'yung puro love scenes and, of course, may action pa rin."

NARITO ANG IBA PANG KILIG MOMENTS NG BARDA:

Mula sa kanyang maginoo role sa Maria Clara at Ibarra, napasabak sa matinding action si David sa Maging Sino Ka Man kaya aminado siyang na-challenge siya rito.

Kwento niya, "No'ng start, medyo nahirapan ako kasi, syempre, it's a big adjustment. 'Yung action kasi 'di lang s'ya action, kumbaga, meron din s'yang art into it.

"So I think incorporating both at the same time was really challenging but as I went along the way um-okay naman."

Open din daw si David kung sakaling mabigyan siyang muli ng proyekto na may temang action.

"Siguro kung meron akong opportunity na movie or teleserye in the future na action, I think, I'd accept it kasi challenging nga s'ya saka para sabay workout na rin e."

Mapapanood ang huling apat na episode ng Maging Sino Ka Man weeknights, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream.

Ipinapalabas din ang action-drama series sa GTV at 9:40 p.m.

(with interviews by Aaron Brennt Eusebio)