TV

LOOK: Netizens, naantig sa pinakitang May-December love affair ng 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia

Malapit nang mapanood ang upcoming serye ng GMA Afternoon Prime na Magkaagaw sa telebisyon kaya naman sunud-sunod na ang pagpapakita ng teasers nito.

Magkaagaw

Sa trailer na inilabas noong October 9, naantig ang netizens sa ipinakitang May-December love affair ng karakter nina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales sa drama soap.


Ilan sa mga mensahe sa comments section ang nagsasabi na hindi na raw makapaghintay ang tagahanga ng dalawa sa darating na serye.

May isa pang commenter na nakapansin ng malaking age gap ng dalawang karakter sa istorya.

Gaganap si Sheryl bilang si Veron isang career-driven woman na iiwanan ng asawa na si Mario (Alfred Vargas) upang makasama si Laura (Sunshine Dizon). Habang si Jeric naman ay gaganap bilang si Jio, ang manugang ni Laura.

Subaybayan ang dalawa sa Magkaagaw ngayong Oktubre sa GMA Afternoon Prime.

LOOK: Klea Pineda and Jeric Gonzales post sweet photos together

EXCLUSIVE: Ano ang pinaghahandaan ni Jeric Gonzales para sa upcoming serye na 'Magkaagaw'?