TV

WATCH: Second full episode ng 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia

Mapapanood na online ang ikalawang episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.

Malinaw na para kina Laura (Sunshine Dizon) at Veron (Sheryl Cruz) na naghahati sila ng asawa.

Masaklap para sa dalawa ang balita dahil niloko silang pareho ni Mario (Alfred Vargas) at pinaniwalang hindi pa ito kasal.

Sa poot at galit na naramdaman ni Veron, tinangka niyang kunin muli ang kanyang asawa mula sa kabit nito.

Dinala naman sa ospital si Laura dahil biglaang bumagsak ito sa pagkahilo.

Nang magising, ipinaalam ng doktor na nagdadalang-tao pala si Laura

Panoorin ang buong second episode ng Magkaagaw.


Huwag palampasin ang tumitinding istorya ng Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.