TV

WATCH: Third full episode ng 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia

Mapapanood na rin ang full third episode ng Magkaagaw online!

Kahit hiwalay man sila ni Mario (Alfred Vargas), ipinangako ni Laura (Sunshine Dizon) sa kanyang magiging anak na mamahalin niya ito ng buong-buo kasama ang kanyang ina (Isay Alvares) at ang pinsan nitong si Suzi (Lovely Abella).

Sa kabilang dako naman, nalaman ni Veron (Sheryl Cruz) na nagdadalang tao siya. Dahil dito, tiwalang-tiwala si Veron na pipiliin na siya ni Mario higit kay Laura.

Nguinit pilit pa rin inaayos ni Mario ang relasyon niya sa kanyang ikalawang asawa. At dahil buntis ito, nanlambot ang puso at ipinatawad si Mario upang mabuo ang kanyang pamilya.

Paano kung malaman ni Mario na nagdadalang tao rin si Veron?

Panoorin ang ika-3 episode ng Magkaagaw.

Tutukan ang nakakaintrigang istorya ng Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.