TV

EXCLUSIVE: Klea Pineda, aminadong may pinaghuhugutang emosyon sa 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia

Ibang level ang pinaghuhugutan ni Kapuso actress Klea Pineda tuwing inaapi siya ni Veron, ang karakter ni Sheryl Cruz, sa hit GMA Afternoon Prime series na Magkaagaaw.

Kuwento ni Klea, marami raw siyang pinaghuhugutang karanasan na nako-connect niya sa eksena nila ni Sheryl.

“Madami, madaming nang-api sa akin dati,” ibinunyag ni Klea.

“Basta, may experiences lang na nako-connect ko sa eksena namin.”

Hindi man niya ipinaliwanag kung anu-ano ito, malaki naman ang pasasalamat ng Magkaagaw aktres sa mga pagsubok na ito.

“Basta life experiences siya and thankful ako sa challenges na dumating sa akin before 'Magkaagaw.'

“Kasi kung hindi dun sa challenges na 'yun e, wala akong mahuhugutan sa mga eksena namin dito.

“And siguro, 'yun 'yung reason ni Lord kung bakit niya ako pinahirapan before o may problems na dumating sa akin.

“Magpe-pay off pala siya and dito ko pala siya magagamit.”

Sunud-sunod rin ang blessings na natatanggap ng aktres at ng kanyang co-star dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings at manonood nito.

Sambit ni Klea, “For me, sobrang thankful po kami sa mataas na ratings na ibingay sa amin.

“Kung gaano nila nagugustuhan 'yung show ay ganun din ka worth it 'yung ginagawa namin.”

Dagdag pa ni Jeric, “Sobrang thankful and blessed sa lahat ng mga sumusuporta, sa pagtanggap nila.

“Kaya thank you sa lahat ng sumusuporta at saka, maraming-marami pa silang kailangan abangan.”

Patuloy na panoorin sina Klea Pineda at Jeric Gonzales bilang sina Clarisse at Jio sa Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga!