TV

Ang lumalalalang pagkakasala ni Jio | Ep. 45

By Cara Emmeline Garcia

Sa December 11 episode ng Magkaagaw nangangamba na si Clarisse (Klea Pineda) na baka siya ang may problema kaya hindi sila nagkakaayos ni Jio lalung-lalo na ngayong nagiging malapit na sila ni Xander (Dion Ignacio).

Habang si Jio (Jeric Gonzales) naman, huling-huli ni Nanay Fely (Isay Alvarez) na may babaeng kasama sa labas mismo ng kanilang bahay.

Malaman kaya niyang si Veron (Sheryl Cruz) ito?

Panoorin sa episode highlights ng Magkaagaw:

Tutukan ang mas umiinit na kuwento sa Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.