'Magkaagaw' actress Klea Pineda, saan kumukuha ng inspirasyon para maabot ang pangarap?
Sumagot sa ilang burning questions ng fans si Magkaagaw actress Klea Pineda kahapon sa kanyang Instagram stories.
Tanong ng isang fan kay Klea, “What inspires you?”
Sambit ni Klea, hindi “what” ang pinagkukuhanan niya ng inspirasyon kundi “who.”
Aniya, “Hindi 'what' ang nakakapagbigay sa akin ng inspirasyon.
“Sila, ang pamilya ko. They give me strength everyday. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong maabot lahat ng mga pangarap ko.”
Kalakip ng sagot ng aktres ang isang litrato niya at ng kanyang pamilya na naka-wacky pose.
Maliban diyan, sinagot rin ni Klea ang isang curious fan kung ano raw ang ginagawa niya para makapag-cope sa pandemic na dala ng coronavirus disease.
Payo ni Klea, minamabuti niyang mag-unwind at lumayo sa social media para sa kanyang mental well-being.
“Take breaks from watching, reading, or listening to news stories, including social media. Hearing about the pandemic repeatedly can be upsetting.
“Make time to unwind. I try to do some other activities I enjoy.
“Connect with others. I also talk with people I trust about my concern,” pagtapos nito.
Mga Kapuso, kung nami-miss niyo na si Klea sa Magkaagaw, mapapanood niyo pa rin ang aired episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.
Klea Pineda on recent COVID-19 news: “Dapat katotohanan lamang”
'Magkaagaw' actress Klea Pineda, nami-miss na ang magtrabaho