TV

'Magkaagaw' cast pinagpatuloy ang mga rebelasyon sa latest video

By Cara Emmeline Garcia

Kahit pansamantalang hindi umeere ang Magkaagaw dahil sa enhanced community quarantine, patuloy pa rin ang pag-iintriga nito sa latest video na inilabas sa official YouTube channel ng GMA Network.

Sa latest video, ipinahiram nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda, at Jeric Gonzales ang kanilang mga boses sa story board ng isa sa mga pivotal scenes ng serye kung saan matatagpuan na ni Clarisse (Klea Pineda) ang panloloko ni Jio (Jeric Gonzales) at Veron (Sheryl Cruz).

Ngayong alam na ni Clarisse ang sikreto ng dalawa, sino na ang pipiliin ni Jio? Si Clarisse ba o si Veron?

Sa comments section, ipinaramdam ng ilang netizens ang kanilang saloobin na mapanood na ang mga susunod na eksena sa GMA Afternoon Prime series.

Ani ng isa, “Binabalik-balikan ko talaga ang eksenang ito. Na-vi-visualize ko na kapag naging video na talaga 'to.”

Dagdag naman ng isang netizen, “Oh my god! Nahuli na rin!”

Mga Kapuso, kung nami-miss niyo na ang Magkaagaw, maaring ninyong balikan ang aired episodes nito sa official website ng GMA at ng GMA Network app.