TV

Sheryl Cruz thanks fans for support of love team with Jeric Gonzales in 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia

Sa halos isang taong anibersaryo ng Magkaagaw, taos puso ang pasasalamat ni Sheryl Cruz sa fans na patuloy pa rin ang suporta sa kaniya at sa love team nila ni Jeric Gonzales na nabuo sa show.

Sa Instagram Story isinaad niya, “Since it's the 8th monthsary of Team SheRic babies, I would like to thank all the creative writers of GMA-7 for 'Magkaagaw' at nabuo 'yung team up namin ni Jeric Gonzales.

“'Yung Team JeRyl and 'yung Team SheRic babies, I'd like to thank them because they're celebrating the 8th monthsary today.

“Sa lahat ng aming supporters, maraming maraming salamat sa inyong pagmamahal at sa inyong pagsuporta sa amin, sa aming show, at sa aming proyekto.

“Excited na akong makabalik sa aming seryeng 'Magkaagaw' para mapanood niyo naman ang mga bagong handog namin sa inyo episodes at palabas sa inyo.

“God bless you and more power!”

Maalalang nabuo ang Team SheRic o Team JeRyl nung ipinalabas ang Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime noong Oktubre at pansamantalang nahinto ang production dulot sa pandemiyang hatid ng COVID-19.

Gumaganap si Sheryl bilang si Veron, isang career-driven woman na iniwan ng asawa upang makasama si Laura, na ginagampanan ni Sunshine Dizon. Habang si Jeric naman ay gumaganap bilang si Jio, ang manugang ni Laura.

Dahil sa kanyang paghihiganti, nabuo ang isang May-December love affair sa pagitan nina Veron at Jio.

Espesyal para kay Sheryl ang gumanap bilang kasintahan ni Jeric dahil hindi niya inakalang maari pa siyang gumanap ng isang cougar role.

Kuwento ni Sheryl noon sa GMANetwork.com, “It's something different for me because, although I played a role na older woman having a relationship with a younger guy sa guesting ko sa Dear Uge, this is a more elaborate portrayal that I'm playing for the serye.

“I'm very happy to be doing this role because it's something different na at my age, I haven't tackled it deeply.

“So it's interesting and, at the same time, it's the first time na I'm playing na ka-counterpart ko si Jeric.”

Maaring balikan at mapanood ang aired episodes ng Magkaagaw sa official website ng GMA Network o sa GMA Network App.