TV

Jeric Gonzales, aminadong na-challenge sa kanyang role sa 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia

Game na game na nakipagkulitan si Magkaagaw actor Jeric Gonzales sa ilang miyembro ng press para sa GMA Artist Center web special na Hangout.

Dito, naitanong kay Jeric kung ano ang sa tingin niyang pinakamahirap na role na ginampanan niya sa telebisyon.

Aniya, “Siguro 'yung pinaka-challenging sa akin is 'yung ngayon… 'yung Magkaagaw.”

Bitiw ng Protege winner, iba ang bigat na nararamdaman niya tuwing aarte para sa show dahil sa mga underlying themes nito.

“Kasi, 'di ba 'yung feeling na niloloko mo 'yung asawa mo and may affair ka with an older woman parang ang hirap at ang bigat dalhin nun,” paliwanag niya.

“Mas mature na rin 'yung ginagampanan kong role dahil may anak na kami [ni Klea Pineda dito] at parang kasama ako sa rollercoaster ride ni Jio.

“Ang dami kong natutunan sa story ---'yung pagpapamilya, 'yung pagkakaroon ng asawa, at consequences kung magloko ka.

“Ito na siguro 'yung pinaka challenging at pinakamaraming emotions na nagawa ko sa isang role.”

Panoorin ang interview na ito:

Mapapanood si Jeric sa Magkaagaw kasama sina Klea Pineda, Sunshine Dizon, at Sheryl Cruz. Ang latest aired episodes nito ay available sa GMA Network official website o sa GMA Network app.