TV

Fans, humanga sa galing na ipinamalas ni Klea Pineda sa 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia

Puro papuri ang natatanggap ni Magkaagaw star Klea Pineda sa mga manonood at fans ng show simula nang umere ang fresh episodes ng GMA Afternoon Prime show.

Sa YouTube channel ng GMA Network, punong-puno ng mga positibong komento ang mga eksena ni Klea Pineda bilang Clarisse Santos-Almonte sa serye simula nang malaman n'ya na niloloko lamang siya ng kanyang asawa na si Jio (Jeric Gonzales) at ng boss niya na si Veron Santos (Sheryl Cruz).

Bitiw ng isang netizen, “Super galing ni Clarisse… 100%. I will vote for Best Actress for this girl. So real to act.”

Ani naman ng isa, “This girl nailed it! We all feel the pain and tears of Clarisse. Our hearts are full of her pain and our eyes are full of tears.”

Saad ng isang fan, “Grabe ang husay ni Klea. Parang married na siya sa tunay na buhay… Damang dama bawat linya.”

Umabot ang mga papuri ng fans kay Klea Pineda dahil pinasalamatan niya ang lahat ng mga ito sa kanyang Twitter account ngayong araw, February 24.

Saad niya sa social media site, “Maraming salamat sa mga comments na nababasa ko sa YouTube episodes ng 'Magkaagaw!'

“Salamat at nakikita ninyo 'yun sa akin!”


Patuloy na panoorin ang Magkaagaw, mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime!

Tingnan ang mga naganap sa locked in taping ng high-rating Kapuso serye sa behind-the-scenes gallery na ito: