TV

Celia Rodriguez: 'Don't underestimate pity, it's very dangerous. Sometimes we associate it with love.'


Sa pagbisita ng GMANetwork.com sa set ng Magkano ba ang Pag-ibig?  tinanong namin ang veteran actress na si Celia Rodriguez, na gumanap na Donya Hilaria, kung ang pag-ibig nga ba ay may katapat na presyo.

Si Donya Hilaria ang nag-alok ng kaalwan para sa pamilya ni Eloisa kapalit ng pagpapakasal nito sa anak na si Bobby at pag-iwan sa minamahal na si Lucio.

Dahil sa kapansanan ni Bobby, hindi ito makahanap ng mapapangasawa. Bilang ina, lubos ang pag-aalala ni Donya Hilaria sa kahihinatnan ni Bobby at natatakot siya na kapag nawala na siya sa mundo ay walang mag-aalaga sa pinakamamahal niyang anak.

Pumayag si Eloisa sa kondisyon ni Donya Hilaria dahil kailangan niya ng pera. Siya na lang din kasi ang inaasahan ng kanyang mahirap na pamilya.

Tinanong namin si Bb. Rodriguez kung ano ba ang nabili ni Donya Hilaria kay Eloisa: prinsipyo ba o pag-ibig?

“Sa una, prinsipyo, then she learned to fall in love with Bobby,” sagot ng veteran actress.
Pero dagdag niya, “In life, there's a big difference between pity and love. But don't underestimate pity, it's very dangerous. Sometimes we associate it with love.”

Ayon kay Bb. Rodriguez, mataas ang halaga ng pera ngunit hindi lahat ay maaaring bilhin.
"Money is not everything in life. I can say, it's very important, all of us know that, but let us make money our slave. Do not make money your slave,” payo niya.

Paliwanag pa niya, “Ikaw 'yong slave ng pera, no. Ang pera 'yong gawin mong slave. 'Yon ang importante. It's been proven time and again that money can never buy everything. And money can't give complete fulfillment to one’s heart. It cannot. I'm talking from my experience.”

Sa paganda nang paganda na takbo ng istorya ng Magkano ba ang Pag-ibig, marami pa tayong dapat abangan.

Ayon sa veteran actress, “Marami kayong matutunan na bagay. First and foremost, the fact that not everything is money. There are better things in life than money such as principles, honesty. The greatest thing is love.”

Sa kaso ni Eloisa, mahal nga kaya niya si Bobby o nadadala lamang siya ng awa? Ibigay ang inyong opinyon sa pamamagitan ng poll sa ibaba.

--Text by Eunicia Mediodia, Interview by Shively Abella, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.