TV

Magkano Ba ang Pag-ibig? Week 14 Recap


Sa pagkakatakas ni Bobby mula sa pananakit ni Margot, marami ang magbabago. Ito ang mga tagpong inyong nakaligtaan sa nakaraang linggo sa Magkano Ba ang Pag-ibig?

Lunes

Hindi napanatag ang loob nina Margot at Lua mula sa pagkakatakas ni Bobby sa mansyon. Ngunit hindi pa rin nagigising si Bobby kaya dadalhin nina Lucio at Eloisa siya sa ospital. Ayon sa doktor ito ay dahil sa dami ng nainom niyang sleeping pills. Dahil sa resultang ibinigay ng doktor, ipinadampot ni Lucio si Margot. Sa takot ni Lua na maisunod kay Margot, tumakas siya kasama ang anak na si Bryce.

Martes

Hindi pa rin maganda ang lagay ni Bobby mula sa pagkaka-overdose sa sleeping pills. Nakatanggap si Eloisa ng hindi inaasahang tawag mula kay Lua upang humingi ng tawad sa nagawa kay Bobby. Upang mailigtas ni Margot ang kanyang sarili sa mga kasalanang kanyang nagawa, itinuro niya si Lua bilang maysala sa pagkamatay ni Donya Hilaria.

Miyerkules

Hinanap  ng mga pulis si Lua dahil sa pagturo ni Margot sa kanya sa pagkakapatay kay Donya Hilaria. Ngunit hindi papayag si Lua na madakip siya ng mga pulis kaya siya ay patuloy na nagtago kasama ang anak na si Bryce. Samantala, si Bobby ay hindi pa rin nagigising kaya’t hindi mapanatag ang loob ni Eloisa.

Huwebes

Nagising si Bobby at sinabi niya ang katotohanan sa ginawa ni Lua sa kanyang ina. Sinubukan nina Lua at Bryce na humanap ng bagong pagtataguan ngunit bago pa man ito mangyari, nadakip siya ng mga pulis. Samantala, hindi pa tapos si Margot sa kanyang masasamang plano kaya’t pinuntahan niya si Bobby sa hospital upang tuluyan itong patahimikin. Bago pa man niya ito nagawa, nakaharap niya sina Gigi at Eloisa.

Biyernes

Ibinunyag na ang katotohanan sa nakaraan ni Margot. Hindi siya minahal ng kanyang asawang si Raymond, kaya’t pinatay niya ito at ipinangakong kukunin ang lahat ng yaman ng pamilya Buenaventura. Samantala, sa pagkagising ni Bobby sinabi niya kay Eloisa na napilitan lang siyang sabihin na hindi na niya ito mahal upang hindi siya saktan ni Margot.


Ngayong alam na nila ang katotohanan sa pagkamatay ni Donya Hilaria, ano na ang mangyayari kay Lua? Ano ang susunod na hakbang ni Margot laban kay Bobby? At paano mapoprotektahan nina Lucio at Eloisa si Bobby?

Abangan sa Magkano Ba ang Pag-ibig? Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Villa Quintana.