TV

Margot, hindi titigil sa pagpapahirap kay Eloisa


Nagkasira ang pamilya ni Eloisa nang kampihan niya ang kanyang asawa na si Bobby. Nagalit ang ina niya sa kanya nang malaman na pinili niya ang asawa kaysa pamilya niya kahit pa si Bobby ang tinuturong pumatay kay Andoy.

Buo ang paniniwala ni Eloisa na walang kasalanan si Bobby sa nangyari sa kanyang ama. Hindi ito natanggap ni Loida kaya itinakwil niya ang kanyang sariling anak.

Samantala, sa mga panahong iniwan na si Eloisa ng kanyang pamilya ay naging karamay niya si Lucio.

Mukha ngang nagtagumpay si Margot sa kanyang binabalak. Bukod sa napaniwala niya ang lahat na si Bobby ang salarin sa pagkamatay ni Andoy, nagkawatak-watak din ang pamilya Aguirre dahilan para maiwang mag-isa si Eloisa. Nabilog na ni Margot ang isipan ni Eloisa. Hawak na niya ito sa leeg. Katunayan, nang magsumbong si Gigi tungkol sa kanyang nalalaman, mas pinaniwalaan ni Eloisa si Margot kaysa sa kanyang matalik na kaibigan.

Walang kamuwang-muwang si Eloisa sa masamang balak ni Margot sa kanya. Isang gabi habang siya ay natutulog, pinagtangkaan ni Margot ang kanyang buhay. Laking gulat ni Margot na imbes na si Eloisa ang mapahamak ay siya ang napahamak. Dinampot siya ng mga pulis at ikinulong. Nagpanggap lang pala si Eloisa upang mahuli sa akto si Margot at ito ay mapakulong.

Unti-unti na ring naging malinaw ang lahat sa pagkakulong ni Margot. Nalaman ni Loida na si Margot pala ang mastermind sa pagkamatay ni Andoy. Pinuntahan ni Loida sa kulungan si Margot. Imbes na magsisi ay buong tapang na sinabi ni Margot kay Loida na nais niya rin na mamatay si Eloisa at ito na ang isusunod niya. Nagkainitan silang dalawa. Hindi makapaniwala si Loida sa kasamaan ni Margot.

Hanggang saan ang kasamaan ni Margot? Magtagumpay kaya ang balak ni Margot na isunod kay Andoy si Eloisa? Ano na ang mangyayari kay Bobby? Mapapawalang-sala na ba ito? At si Lucio, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ni Eloisa?

Huwag palampasin ang huling linggo ng Magkano ba ang Pag-ibig? pagkatapos ng Villa Quintana sa GMA Afternoon Prime.

Para sa updates kina Heart Evangelista, Sid Lucero at Dominic Roco, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com . -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.