TV

Magkano Ba ang Pag-ibig: Sino ang magmamay-ari ng puso ni Eloisa?


Sa pagtatatapos ngayong linggo ng Magkano Ba ang Pag-ibig, sino sa magkapatid na Lucio at Bobby ang nararapat na piliin ni Eloisa?

Una pa man ay minahal na ni Eloisa si Lucio. Matindi ang kanyang nararamdaman dito kaya siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok ni Donya Hilaria na pakasalan si Bobby.

Hindi mahal ni Eloisa si Bobby ngunit pinakasalan niya rin ito para maisalba ang kanyang pamilya. Kinakailangan kasi ni Andoy, ang kanyang ama, ng pampagamot. Ang pagpapakasal sa mayamang anak ni Donya Hilaria na si Bobby ang nakikita niyang tanging paraan.

Maayos na sana ang lahat nang biglang nagbalik si Lucio sa buhay ni Eloisa.

Nagulat si Eloisa nang malaman na magkapatid pala sina Lucio at Bobby. Sinubukan ni Lucio na kunin si Eloisa kay Bobby ngunit buo na ang loob ni Eloisa na pakasalan si Bobby. Dahil dito, parehong nasaktan sina Eloisa at Lucio. Parehas din silang nagdurusa sa ginawang desisyon ni Eloisa.

Mahal na mahal ni Bobby si Eloisa. Kahit may kapansanan, kaya niyang ipagtanggol si Eloisa. Nasaktan din naman ni Bobby si Eloisa dahil sa isang aksidente pero hindi niya ito sinasadya. Nahulog na rin ang loob ni Eloisa kay Bobby dahil sa tapat nitong pagmamahal sa kanya.

Tinakot ni Margot si Bobby upang mailayo ito kay Eloisa. Para mailigtas ni Bobby ang kanyang mahal na si Eloisa naging sunud-sunuran siya sa gusto ni Margot. Dumating ito sa punto na sinabi niyang ayaw niya na kay Eloisa.

Habang inaasikaso ni Eloisa ang paglabas ni Bobby sa ospital:

“Gusto ko kasama ka lagi,” sabi ni Bobby.

Hindi makapaniwala si Eloisa sa kanyang narinig.. “Pero di ba ang sabi mo -- ”

Pagsisiwalat ni Bobby, “’Yong mga sinabi ko hindi totoo ‘yon. ‘Yong lahat ng sinabi ko hindi totoo ‘yon. Hindi totoo na ayaw ko na sa ‘yo. Hindi ‘yon totoo.”

“Akala ko ayaw mo na sa akin. Bobby, hindi ko kinaya ‘yon. Hindi ko kaya,” pagtatapat ni Eloisa.

Sa kabilang banda, ang nararamdaman ni Bobby para kay Eloisa ay katulad din ng nadarama ni Lucio.

Napagbintangan noon si Lucio na pumatay kay Donya Hilaria. Sa bandang huli, napatunayan na wala siyang sala at nailabas sa kulungan.

Sa kanilang pagkikitang muli ni Eloisa:

“Kahit wala kang obligasyon ginawa mo ang lahat para tulungan ako,” bungad ni Lucio sa papalapit na si Eloisa.

Sabi naman ni Eloisa,” Ang dami mo nang naitulong sa amin at ng pamilya ko.”

Muling nanumbalik kay Eloisa ang pinagsamahan nila ni Lucio noon, “Nasaktan man ako noon pero may dahilan naman ang lahat. Kaya rin tayo nagkahiwalay dahil may tao para sa akin na kailangan ko ng mahalin.”

Dagdag pa niya, “Pasensiya na, hindi ko naman sinasabi na binabalewala ko ‘yong pinagsamahan natin dati.”

Dito na nagsabi si Lucio ng kanyang tunay na nararamdaman para kay Eloisa.

“It’s okay. You don’t have to feel sorry for me. Masakit. Mahal kita eh. But if I were to lose, I don’t mind losing you to my brother.”

Sino ba ang pipiliin ni Eloisa sa huli: Si Bobby na kanyang pinakasalan kahit labag sa kanyang kalooban o si Lucio na kanyang unang mahal at minamahal pa rin?

Huwag palampasin ang huling mga araw ng Magkano ba ang Pag-ibig? pagkatapos ng Villa Quintana only on GMA Afternoon Prime.

Para sa updates sa paborito nyong shows, mag-log on lagi sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com