GMA Logo Buboy Villar
Source: fayelorenzo_ and buboyvillar (IG)
What's on TV

'#MPK,' may back to back na brand new celebrity life story episodes

By Marah Ruiz
Published May 26, 2023 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Back to back ang celebrity life story episodes nina Faye Lorenzo at Buboy Villar sa '#MPK.'

Buhay ng dalawang Kapuso celebrities ang matutunghayan sa magkasunod na Sabado sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Ngayong May 27, tampok ang life story ni Bubble Gang star at Kapuso comedienne na si Faye Lorenzo sa brand new episode na pinamagatang "Daughter's Dollhouse: The Faye Lorenzo Story."

Si Faye mismo ang gaganap sa kanyang talambuhay kung saan binalikan niya ang maaga niyang pagiging breadwinner matapos abandonahin ng kanilang ina ang pamilya.

Makakasama ni Faye sa episode sina Gary Estrada, Bernadette Allyson, Zonia Mejia, Gigi Locsin at Vince Crisostomo. Si award-winning filmmaker Adolf Alix Jr. naman ang nagsilbing direktor ng episode.

Susundan ito ng life story ni Running Man PH star at Kapuso comedian Buboy Villar sa June 3.

Source: buboyvillar (IG)

Pinamagatang "Luha sa Likod ng Tawa: The Buboy Villar Story," matutunghayan dito ang masalimuot na buhay ni Buboy bilang isang bata sa Cebu, hanggang sa mga pagsubok niya bilang isang ama matapos nilang maghiwalay ng Amerikano niyang live in partner.

Si Buboy din mismo ang magbibigay-buhay sa sarili niyang life story sa brand new episode na ito, katuwang ang co-stars na sina Tina Paner, Smokey Manaloto at Ervic Vijandre.

Huwag palampasin ang celebrity life stories nina Faye Lorenzo at Buboy Villar sa back to back na brand new episodes ng #MPK tuwing Sabado, 8:00 p.m. sa GMA.

Naka-livestream din nang sabay ang mga episodes sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, NARITO ANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK NG DAUGHTER'S DOLLHOUSE: THE FAYE LORENZO STORY.