TV

Magpakailanman presents 'One Last Chance: The Jam and Michelle Story'


Mababawi pa ba ang perang nilustay na? Paano ang kalusugan? Paano ang pagmamahalan?

Ito ang kuwento ng buhay at pag-ibig nina Jam at Mich, dalawang tao na nagpakilig sa maraming kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga short films na inilalagay sa internet. Isang love story na tinutulan, ipinaglaban, at ipinagmalaki—hanggang sa ito ay inidolo ng maraming teenagers.

At sa pagharap nila ngayon sa pinakamalaking pagsubok ng kanilang pagmamahalan, ibabahagi nina Jam at Mich ang kanilang kuwento... Mula sa kanilang pagkilala sa isa’t-isa, sa kanilang pag-iibigan, at ang pagkalulong ni Jam sa sugal. Bagay na naging sanhi ng kanilang mga pagtatalo. Bagay na siyang, indirectly, ay nagdala kay Jam ng sakit na lung cancer.

Alamin kung paano hinaharap nina Jam at Mich ang challenges sa kanilang pagsasama. Abangan din ang pakikipag-usap ni Ms. Mel Tiangco kay Mich, tungkol sa mga kinatatakot niya…at sa kaniyang mga ipinagdarasal para sa kanyang minamahal na si Jam.

Itinatampok sina Jake Vargas at Yassi Pressman; “Isinugal na Pag-ibig: the JaMich Love Story” is directed by "So It’s You" director Jun R. Lana, sa panulat ni Dode Cruz, at mula sa pananaliksik ni Georis Tuca. Kasama rin sa episode na ito sina Enzo Pineda, Ces Quesada, at Frances Ignacio.

Huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado, May 3, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.