What's on TV

Alden Richards, maghahatid ng apat na bagong kuwento sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published July 27, 2023 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia holds first funerals for Bondi Beach attack victims
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Maghahatid si Alden Richards ng apat na brand new at must-see episodes sa '#MPK.'

Apat na brand new at must-see episodes ang pagbibidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

This coming August, si Alden ang magbibigay-buhay sa apat na magkakaiba pero totoong kuwento ng mga Pilipino sa "Alden August."

Nais daw ng aktor na makapagbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng episodes kung saan kabilang ang kuwento ng isang marathon runner na may kapansanan, isang social media influencer, isang gangster, at pati isang taong may mental health issues.

"This is not about me. It's about these people na gusto nating ibahagi 'yung kuwento nila sa mga manonood. This is about their story, not mine," lahad ni Alden.

Bawat isa daw sa mga episodes na ito ang magpapakita ng mga pagsubok at tagumpay ng mga 'di pangkaraniwang tao.

"Minsan 'pag may problema ka, ikaw lang 'yung tao sa mundo e. But when you get the opportunity to realy look outside of the box of your dilemma, of your depression, you get to see na ang liit lang ng problema ko compared to these people. Hindi worth na mag-dwell doon sa negative emotion na 'yun," paliwanag ni Alden.

Sa August 5, mapapanood ang unang episode ng #MPK "Alden August" special na "A Runner to Remember." Tungkol ito sa marathon runner na may kundisyong cervical dystonia na nagiging sanhi ng involuntary muscle movements.

Susundan ito ng "Epal Dreamboy" sa August 12 na tungkol naman sa isang influencer na mahilig ipagyabang ang mga naipundar sa social media.

Sa August 19 naman matutunghayan ang "The Lost Boy" na tungkol sa isang lalaki na magiging involved sa ilegal na gawain dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang pamilya.

Ang huling episode naman ng "Alden August" ay sa August 26 at pinamagatang "Sa Puso't Isipan" na iikot sa lalaking nag-aalaga sa mga magulang niyang may mental conditions.

Abangan ang natatanging pagganap ni Alden Richards sa apat na brand new episodes ng #MPK, every Saturday, 8:15 p.m. ngayong buong buwan ng August sa GMA.

Naka-livestream din nang sabay ang bawat episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network, at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG PAGBABALIK-TANAW NI ALDEN RICHARDS SA KANYANG CAREER SA GALLERY NA ITO: