TV

Magpakailanman presents 'Tatay na si Totoy, Nanay na si Nene'


Ano ang tamang edad para maging isang magulang? Masyado bang bata ang 12? 13?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, ibabahagi ni Miss Mel Tiangco ang kuwento ng dalawang kabataang maagang namulat sa kamunduhan…at maaga ring naging mga magulang. Dalawang batang hindi alam ang responsibilidad na hihingin sa kanila ng pagkakaroon ng isang anak.

Sa patuloy ng pagdami ng paraan para maka-access ang mga bata ng porn, paano nga ba pipigilan ng mga nakatatanda... ng mga nakaaalam... ang kabataan tungkol sa dangers of sex? Paano nila ipapaalam ang responsibilidad na kaakibat ng unprotected sex... ng unwanted pregnancy... ng pagiging isang batang magulang?

Ito ang mga katanungang tatalakayin ng Magpakailanman ngayong Sabado, sa episode na pinamagatang “Tatay na si Totoy, Nanay na si Nene,” featuring Ruru Madrid and Ashley Nordstrom.

Kasama rin sa episode sina Raymond Bagatsing, Ryza Cenon, Melissa de Leon, at Nicole Dullalia; sa ilalim ng direksyon ni Argel Joseph, sa panulat ni Senedy H. Que, mula sa pananaliksik ni Loi Argel Nova.

Magpakailanman airs this Saturday, May 17, after Vampire ang Daddy Ko.