TV

Magpakailanman presents 'Ama Ko, Mahal Ko'


Ngayong Sabado, tunghayan ang episode ng Magpakailanman na muntik niyo nang hindi mapanood, tungkol sa isang dalaga na na-in love at nabuntis ng sariling ama!

Lahat tayo naghahanap ng pagmamahal; pero paano kung ang mahanap mong pagmamahal na makapagpapasaya sa 'yo ay isa palang mali at bawal na pag-ibig?

Ito ang kuwento ng buhay ni Kim, hindi niya totoong pangalan, isang dalaga na matapos ipasa ng sariling ina para ipa-alaga sa iba, ay nakatagpo sa wakas ng pagmamahal na nagpapaligaya sa kaniya--sa piling ni Mang Orly.

Mabait si Mang Orly. Maaruga. Maaalalahanin. Dito naramdaman ni Kim ang isang kakaibang pagmamahal--na walang halong sumbat at walang panghuhusga. Mas may edad man ang lalaki sa kaniya, nakita rin ng mga tao kung paanong nabago ni Mang Orly ang buhay ni Kim. Kung paano niya ito napabuti.

Kaya naman hindi nagdalawang-isip si Kim na ipakilala si Mang Orly sa kaniyang ina. Isang pagpapakilala na sisira sa lahat. Dahil nagkakilala na pala noon sina Orly at Yolly, ang ina ni Kim. Dahil may namagitaan na sa kanila noon. Dahil nagkaroon sila ng anak!

Alamin ngayong Sabado, sa Magpakailanman, kung paano haharapin nina Kim, Mang Orly, at Yolly ang kapalarang inihain sa kanila. Magagawa pa bang itama ang isang pag-ibig na ipinagbabawal?

Itinatampok sina Louise delos Reyes sa isang natatanging pagganap bilang Kim, si Ricky Davao bilang Mang Orly, at si Gina Alajar bilang Yolly, sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada, Jr.. "Ama Ko, Mahal Ko" was written by Michiko Yamamoto, based sa research ni Loi Argel Nova. Kasama rin sa episode na ito sina Mel Kimura, Reese Tayag, at Bryan Benedict, with the special participation of Phytos Ramirez.

Magpakailanman airs this Saturday, July 12, pagkatapos ng MARIAN.