TV

Magpakailanman presents “Isinakdal Ko Ang Aking Anak: The Julita Relano Story”



Magagawa mo bang ipakulong ang sarili mong anak?

Laging itinuturo ng mga magulang na ang ginawang kasalanan ay dapat pinagbabayaran. Pero sa kuwento ng buhay ni Julita Relano, alam niyang hindi ito laging nasusunod. May mga taong naaapi nang walang magandang dahilan. Gaya ng anak niyang si Allan, na dahil sa sakit na epilepsy ay pinahinto ng asawa niya sa pag-aaral. Ang anak niyang tinatawag na batugan, inutil, walang kuwenta.

Pero may isang magagawa si Allan na hindi nila lahat inaasahan. Sawa na sa pagmamalupit ng ama, nagawa nitong mapatay ang sariling tatay! Sa gulat at takot at para pagtakpan ang nagawa, sinubukan ni Allan sunugin ang ebidensiya—na siya namang kikitil sa buhay ng kapatid niya!

Aamin si Allan sa nagawa niyang mga krimen. Made-detain ito. Pero sino ang magsasampa sa kaniya ng kaso? Ang mga natitirang kapatid? O ang kaniyang ina mismong si Julita?

Pipiliin ni Julita gawin ang nararamdaman niyang tama, para sa kaniya, para sa kanilang pamilya—pero ano ang magiging kapalit nito?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, alamin ang kakahantungan ng mga desisyong gagawin ni Julita—at kung pipiliin ba niya ang hustisya, o ang pagiging ina.

“Isinakdal Ko Ang Aking Anak” stars Lani Mercado and Alden Richards, with Arthur Solinap, Bettina Carlos, Lian Paz and Mr. Al Tantay. The episode is directed by Gil Tejada, Jr., sa panulat ni Evie Macapugay, mula sa research ni Angel Lauño.

Magpakailanman airs this Saturday, July 26, pagkatapos ng Marian.