TV

Rabiya Mateo, nakatanggap ng papuri sa kanyang pagganap sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz

Kahanga-hanga ang ipinamalas ni Sparkle star Rabiya Mateo sa isang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Gumanap kasi siya bilang isang asawa, ina, at OFW na paulit-ulit nakaranas ng pang-aabuso sa episode na pinamagatang "Abused and Raped."

Nagtala ang episode niya ng 12.4 na combined ratings mula sa GMA-7, GTV at Pinoy Hits. Mas mataas ito kaysa sa naitalang 4.9 combined ratings na kasabay na programa mula sa tatlong magkakaibang channel ayon sa Nielsen Philippines.



Marami ring mga manonood ang nakapansin ng improvement sa acting ni Rabiya na nagsimula ng kanyang career bilang isang beauty queen bago naging aktres at host.

Dahil dito, umaasa ang iba na mabigyan na ng lead role sa isang serye si Rabiya sa lalong madaling panahon.



Panoorin ang natatangging pagganap ni Rabiya Mateo sa episode na "Abused and Raped" sa Magpakailanman sa video sa itaas.

Patuloy na subaybayan ang iba't ibang kuwento ng mga tunay na tao sa Magpakailanman, tuwing Sabado, 8:00 p.m. sa GMA.

Naka-livestream din nang sabay ang episodes nito sa Kapuso Stream.