TV

Magpakailanman presents 'Ang Ina na Hindi Malilimutan: The Lauro Tuaño Story'



Madalas sabihin na ang isang anak, kayang tiisin ang mga magulang niya--pero ang isang magulang, lalung-lalo na ang isang ina, ay kailanma’y hindi matitiis ang kaniyang anak...

Pero paano kung kabaligtaran ang nangyari?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, alamin ang kuwento ng buhay ni Lauro Tuaño, at ng kaniyang ina na si Lucing--isang biktima ng sakit na kung tawagin ay Alzheimer’s Disease. Isang sakit na unti-unting bumubura ng mga alaala ng isang tao.

Ano ang gagawin ng isang anak sa oras na malaman niya na ang kaniyang ina na nagsakripisyo para maging maganda ang kanyang buhay, ang siya naman ngayong mangangailangan ng tulong?

At ano ang gagawin ni Lauro kung, sa patuloy na pagkawala ng alaala ng ina, ay mapagkamalan siyang asawa nito?

Alamin ang kinahinatnan ng mag-inang Lucing at Lauro Tuaño, ngayong Sabado, August 23, sa Magpakailanman--pagkatapos ng Marian.

“Ang Inang Hindi Malilimutan: The Lauro Tuaño Story” stars Martin del Rosario and Ryza Cenon, sa panulat ni Senedy H. Que, mula sa research ni Rodney Junio.