What's on TV

Paolo Contis, gaganap bilang si vlogger-businessman Wilbert Tolentino sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published July 31, 2024 7:29 PM PHT
Updated August 1, 2024 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH gets P529.6B budget for 2026
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis on mpk


Bibigyang-buhay ni Paolo Contis ang kuwento ng vlogger at businessman na si Wilbert Tolentino sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Bibida si Kapuso actor Paolo Contis sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya dito ang kuwento ng vlogger at businessman na si Wilbert Tolentino.

Kilala si Wilbert bilang isang matagumpay na negosyante at dating talent manager ng Kapuso star na si Herlene Budol.

Pinasok din niya ang mundo ng vlogging kung saan dumami ang kanyang mga tagasubaybay na kung tawagin niya ay mga "KaFreshness."

Pero bago ang lahat ng ito, marami pinagdaanang pagsubok si Wilbert para maitaguyod ang kanyang pamilya. Bukod dito, nag-agaw-buhay pa siya dahil sa COVID-19.

Paano narating ng KaFreshness na si Wilbert Tolentino ang tagumpay at magandang estado ng buhay niya ngayon?

Bukod kay Paolo Contis, bahagi rin ng episode sina William Lorenzo, Anna Marin, at Ashley Rivera.

Abangan ang brand-new episode na "A Son's Karma: The Wilbert Tolentino Story," August 3, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.