What's on TV

Euwenn Mikaell, first time gaganap bilang special child sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published November 28, 2024 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LA Tenorio, Yukien Andrada relish Magnolia debuts as playing coach, rookie
December 22, 2025: One North Central Luzon Livestream
Check out these gifts that champion health and comfort

Article Inside Page


Showbiz News

Euwenn Mikaell in Magpakailanman


Isa si Euwenn Mikaell sa mga magbibigay-buhay sa kuwento ng aktres na si Candy Pangilinan sa 'Magpakailanman.'

Ipapamalas ng child actor at Kapuso star na si Euwenn Mikaell ang husay niya sa pag-arte sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Kabilang si Euwenn sa mga artistang gaganap sa episode na pinamagatang "My Very Special Son: The Candy Pangilinan Story."

Kuwento it ng buhay ng aktres na si Candy Pangilinan at ng anak niyang si Quentin na na-diagnose ng attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at nasa autism spectrum.

Gaganap si Euwenn bilang Quentin, habang si Candy mismo ang gaganap sa kanyang sarili.

Euwenn Mikael and Candy Pangilinan

Ayon sa batang aktor, unang pagkakataon daw itong gaganap siya ng ganitong karakter.

"Panoorin niyo po 'to. Maganda 'to. Interesting 'to kasi first time ko 'tong gagawin na magiging special person," pahayag niya.

Ipinangako rin niya na gagamitin niya ang mga natutunan niya sa episode para mas maging mahusay na aktor.

"Makikita n'yo kung paano ako umaakting. Try kong i-improve 'tong ganitong klaseng acting. Maraming salamat po," lahad ni Euwenn.

Ang episode na ito ay isa sa tatlong 22nd anniversary specials ng Magpakailanman.

"Happy anniversary po, Magpakailanman! Ingat po kayo. God bless you po," pagbati ni Euwenn.

Bukod kina Euwenn at Candy, bahagi rin ng episode sina Will Ashley, Shyr Valdez, at Sandy Andolong.

Abangan ang 22nd anniversary special at brand-new episode na "My Very Special Son: The Candy Pangilinan Story," November 30, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.