TV

Ruru Madrid breathes life to a 'kalakal boy'

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Matapos magpa-kilig sa Seasons of Love at My Destiny, si Ruru Madrid, makukulong sa kaniyang bagong papel sa Magpakailanman!

Isa si Ruru Madrid sa mga success stories ng Protégé; mula nang matapos ang reality search na kinabilangan ng binata, sunud-sunod na ang mga proyektong sumubok at nagpakita sa galing ng aktor. Pinamalas ni Ruru ang galing niya sa comedy through Seasons of Love, at ang kaniyang pagpapa-kilig bilang medyo bad boy sa My Destiny. Ngayong Sabado, isang mabait na Ruru naman ang mapapanood ng mga viewers, sa isang kuwento tungkol sa pagpapatawad at pamilya.

Ruru will take on the life of Cedric Macdon, isang ampon na pinamigay ng tunay niyang ina matapos itong pagtangkaan ng asawa niya. Mapupunta si Cedric sa pangangalaga ni Manay Leonida, isang babaeng napag-iwanan na ng mga mahal niya sa buhay.

Mahirap lang sila, pero sa pangangalaga at pangaral ni Manay, lalaking mabuting bata si Cedric... Hanggang sa dumating sa buhay nila si Joven.

Apo ni Manay si Joven sa anak nitong si Nora--apo na ituturing ni Manay na sarili niyang anak, dahil iniwan rin ito sa kaniya. Sa simula ay magiging maayos ang pakikitungo ni Cedric kay Joven, at paninindigan pa nito ang kaniyang pagiging kuya. Pero mapapansin niya na naiiba ang pakikitungo ni Manay sa tunay na apo. Na mas mahal nito ang apo. At dito magsisimulang mapariwara si Cedric.

Lalo pang magugulo ang mga buhay nila sa pagbalik ng tunay na ina ni Cedric sa kaniyang buhay. Magtutuloy-tuloy na ang pagkaligaw ni Cedric ng landas--hanggang sa siya ay ipakulong sa salang pagnanakaw!

Magagawa pa bang baligtarin ni Cedric ang kinahantungan ng buhay niya? At muli ba niyang mabubuo ang kaniyang tagpi-tagping pamilya?

Alamin ang kahahantungan ng buhay ni Cedric, ngayong Sabado, October 25, sa Magpakailanman--pagkatapos ng Marian!

Kasama rin sa “Kalakal Boys: the Cedric Macdon and Joven Santos story” sina Miguel Tan-Felix, Patricia Ysmael, at si Ms. Celia Rodriguez, sa ilalim ng direksyon ni Maryo J. delos Reyes, mula sa panulat ni Jason John Lim, at pananaliksik ni Loi Argel Nova.