TV

Magpakailanman presents 'Third Eye: The Jessa Monte Story”



Naniniwala ka ba sa idea ng third eye? May mga taong nga kayang nakakakita at nakakakausap ng mga taong yumao na o malapit nang yumao?

Sa kuwento ng buhay ni Jessa Monte, normal na ang paranormal. Lumaki siya sa poder ng kaniyang lola na laging nakikipag-usap sa mga nilalang na hindi nakikita. At sa bahay ng kaniyang lola ay may makikilala si Jessa na isang batang babae... Batang babae na siya lang ang nakakakita at nakakakausap, hanggang sa makita rin ito ng lola niya!

Naniniwala ang lola ni Jessa na may third eye ang kaniyang apo. Pero hindi lang multo ang makikita ng babae. Makikita rin niya ang pagpanaw ng kaniyang lola—at ang pagkawasak ng kaniyang pamilya. Dahil sa burol ng babaeng nagpalaki sa kanila ng kaniyang kapatid, matutuklasan ni Jessa na may magkaibang mga pamilya pala ang mga magulang nila!

Ito ang magtutulak kay Jessa na ‘wag nang umasa sa kahit sino pa sa kaniyang mga magulang. Siya ang tumayong ama at ina, katuwang ng tiyahin niya, para sa kaniyang kapatid. Pumasok siya ng nursing para masigurado ang kanilang magiging kinabukasan—

Pero hindi siya tatantanan ng kaniyang kakayanang makakita ng mga ligaw na kaluluwa!

Matatanggap ba ni Jessa ang kaniyang kakayanan na kumausap ng mga taong yumao na? O maglalaban pa ang mga paniniwalang ipinasa sa kaniya ng kaniyang lola, at ang kaniyang mga natututunan bilang isang nurse?

Anong buhay ang naghihintay para sa isang nurse na may third eye?

“Third Eye: The Jessa Monte Story” stars Bela Padilla, Ramon Christopher, Melissa Mendez, Arianne Bautista, Lovely Rivero, Andrea del Rosario and Luz Valdez. Directed by  Michael de Mesa,  this episode is from a script by Vienuel Laviña Ello, as researched by Georis Tuca.

Magpakailanman airs this Saturday, November 1, after Marian.