TV

Magpakailanman presents “Ang Pusong ‘di Makalimot: The Faith Bacon Story”



Magagawa mo pa bang mahalin ang isang taong hindi ka na maalala?

Hindi na bago sa mga teleserye ang sakit na amnesia, kung saan maaaksidente ang bida at hindi na niya maaalala pa ang mga nangyari sa kaniya, o ang mga taong nasa paligid niya. Pero sa TV lang naman ‘to nangyayari, hindi ba? Paano kung hindi? Paano kung ang asawa mo na ang magkaroon ng amnesia? At ano ang gagawin mo ‘pag nalaman mong hindi na babalik pa ang kaniyang mga alaala?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, ikukuwento ni Faith Bacon ang kaniyang love story with Jeland, ang lalaking nagmahal sa kaniya, nakalimutan siya, pero nagawa pa rin siyang mahaling muli kahit na nabura na ang lahat ng kanilang pinagsamahan.

Daanan ang bawat kasiyahan at pighati na dinanas nina Faith at Jeland sa kanilang pakikipagsapalaran sa sakit na amnesia. At alamin kung paano nila nagawang pagtagumpayan ang sakit na ito, kahit pa hindi na muling bumalik ang mga nawalang memories ni Jeland.

Itinatampok sina Eula Valdez, Winwyn Marquez, Lucho Ayala, Jak Roberto, Krystal Reyes, Julian Trono, Christian Ramirez and Mark Anthony Fernandez. “Ang Pusong ‘Di Makalimot: The Faith Bacon Story” is directed by Maryo J. delos Reyes, from a script by Michiko Yamamoto, as researched by Jessie Villabrille.

Magpakailanman airs this Saturday, November 8, after Marian.