TV

Magpakailanman presents 'Henyo ng Bangketa: The Gerald Tamayo Story”



Genius. Wizard. ‘Yan ang bansag sa batang si Gerald Tamayo nang kumalat sa internet at sa mga balita ang isang video kung saan mapapanood siyang sumasagot ng mga mahihirap na math equation--mga tanong na nasasagot niya ng tama. Pero paano ito nagagawa ng isang batang hindi nag-aaral at palaboy lang sa lansangan?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, samahan si Miss Mel Tiangco sa kaniyang pagkilala sa batang sumikat dahil sa kaniyang nakabibilib na kakayanan. Alamin ang kuwento sa likod ng kaniyang dunong at talino-- Paano nga bang ang isang batang nakatira sa kalye ay napabibilib ang mga Engineering student na nakakilala sa kaniya?

At anong lungkot ang buhat ng kaniyang mumunting mga balikat at nauwi sa pagbebenta ng sampaguita ang kaniyang kapalaran?

Itinatampok sina Gina Pareno, Mylene Dizon, at Miggs Cuaderno sa unang handog ng Magpakailanman para sa second anniversary ng programa. Kasama rin sa episode sina Gerard Madrid, Rap Fernandez, at Ina Feleo.

“Henyo ng Bangketa: The Gerald Tamayo Story” is directed by Neal del Rosario, mula sa panulat ni Maribel Ilag, at pananaliksik ni Loi Argel Nova.

Magpakailanman airs this Saturday, November 15, on its new timeslot after Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento.