TV

Magpakailanman presents “Ang Babaeng Ama: The Mark Marzo Story”



Magagawa mo bang baguhin ang iyong buhay--at kasarian--para lang matupad ang huling hiling ng iyong ama? Ngayong Sabado, kilalanin ang lalaki… na naging babae… na bumalik sa pagiging lalaki, para lang maibigay ang natitirang hiling ng kaniyang ama… Siya si Mark Marzo, at ito ang kuwento niya.

Babae ang tingin ni Mark sa sarili niya, at tanggap ito ng kaniyang pamilya. Kaya naman nang pumunta si Mark ng Japan at bumalik ng Pilipinas bilang si Maria, walang nagtaka. Walang umalma.

Habang isang babae, nakilala ni Mark ang lalaking kaniyang iibigin--si Miko. Pero habang isa ring ganap na babae ay hihingin sa kaniya ng kaniyang ama ang isang imposibleng bagay: ang magkaroon ng apo bago siya mamatay.

Dahil sa kaniyang pagmamahal sa ama, gagawin ni Mark ang lahat para tuparin ang pangarap nito. Ihahanda niya ang sarili para sa isang reverse sex change operation, kahit na maaaring malagay sa alanganin ang kaniyang buhay...at ang kaniyang pag-ibig.

Magagawa nga ba ni Mark tuparin ang pinapangarap ng kaniyang ama? Ano ang mangyayari sa kanilang pagsasama ni Miko? At saan siya hahanap ng babaeng papayag magpabuntis sa isa transgender na tulad niya?

Sa huling handog ng Magpakailanman for its anniversary month, samahan si Ms. Mel Tiangco, kasama sina Paolo Contis at Glaiza de Castro sa kanilang pagsasabuhay ng isang kuwento tungkol sa isang naiibang pag-ibig: walang tintanggihan, walang tinatalikuran, walang hangganan--mula Pilipinas, hanggang Japan, at pabalik ng Pilipinas.

“Ang Babaeng Ama: The Mark Marzo Story” is directed by Bb. Joyce Bernal, from a script by Senedy H. Que, based on the research of Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs this Saturday, November 29, after Pepito Manaloto--and before Marian.