TV

Magpakailanman presents “Sa Bangin ng Kamatayan”



Ang kabataan ang kinabukasan ng bayan. ‘Yan ang isa sa mga paniniwalang pinanghahawakan ng mga taga-Buguias, sa probinsya ng Benguet. Kaya naman kahit isang oras mahigit ang kailangan lakarin para makarating sa paaralan ay tinatiyaga nila ito. At tuwing may mga sasakyan na maaaring magsakay ng mga estudyante, mag-aalok ang mga driver nito para makatulong sa mga kabataang nag-aaral.

Pero nitong nakaraang Setyembre, isang nakagigimbal na trahedya ang nangyari sa isang grupo ng mga estudyante na nais lamang makapag-aral at makatapos para tumulong sa kani-kanilang mga pamilya. Sa isang biyahe pauwi, nagloko ang jeep na kanilang sinasakyan--at nahulog ang jeep na kanilang lulan sa bangin!

Ngayong Sabado, samahan si Ms. Mel Tiangco tuklasin ang mga kuwento ng buhay ng mga batang nasangkot sa trahedyang ito, ang kanilang mga pangarap, at alamin kung ano ang nangyari sa tatlong tanging nakaligtas mula sa nangyaring aksidente.

Itinatampok sa episode na “Benguet Jeepney Tragedy: Sa Bangin ng Kamatayan” sina Joyce Ching, Kim Rodriguez, Joanna Marie Tan, at Ms. Jaclyn Jose, sa ilalim ng direksyon ni Ricky Davao, sa panulat ni Senedy H. Que, mula sa pananaliksik ni Cynthia delos Santos.

Magpakailanman airs this Satuday, December 6, pagkatapos ng Pepito Manaloto at bago mag-Marian.