Bibigyang buhay ni Jak Roberto ang kuwento ng viral dancer at choreographer na si DJ Loonyo sa brand new episode na "Dance King ng Quarantine: The DJ Loonyo Story," ngayong Sabado, July 18 sa '#MPK.'
Si Jak Roberto ang gaganap bilang viral dancer at choreographer na si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa tunay na buhay.
Simple lang ang buhay ni DJ Loonyo sa Cagayan de Oro kung saan siya lumaki.
Dito siya nagsimula sa jazz dance pero nahilig sa hip hop kinalaunan.
Mag-isang itinataguyod ni DJ Loonyo ang kanyang pamilya.
Nakipagsapalaran siya sa ibang bansa.
Ano ba ang mga pinagdaanan niya bago nakilala sa kanyang pagsasayaw online?
Alamin sa brand new episode na pinamagatang "Dance King ng Quarantine: The DJ Loonyo Story," ngayong Sabado, July 18, 8:00 pm sa '#MPK.'