IN PHOTOS: Nonie at Shamaine Buencamino, tampok sa fresh episode ng '#MPK'

Napapanahon ang upcoming fresh episode ng real-life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman' ngayong Sabado.
Tampok kasi dito ang kuwento ng pamilya Layug, na lahat ay nagtatrabaho bilang mga nurse. Dahil sa pagkalat ng COVID-19, lahat sila tinamaan ng sakit na dulot ng virus.
Si Nonie Bunecamino ang gaganap bilang ang padre de pamilyang si Rainier, habang ang kanyang asawang si Shamaine naman ang gaganap bilang si Remy, maybahay ni Rainier.
Si Kapuso singer and actress Rita Daniela naman ang gaganap bilang isa sa kanilang mga anak na si Lea.
Ang episode ay pagpupugay ng '#MPK' sa lahat ng frontliners, pati na sa mga patuloy na lumalaban sa COVID-19.
Ito rin ang pangalawang fresh episode ng '#MPK' ngayong quarantine na nakumpleto sa ilalim ng tinaguriang "new normal."
Silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito.
Samantala, huwag palampasin ang kanilang kuwento sa "Walang Iwanan: The Layug Family Story" ngayong Sabado, August 15, sa '#MPK.'






