IN PHOTOS: Guro, iibig sa kanyang estudyanteng may kapansanan sa '#MPK'

Magtatambal sina Kapuso stars Thea Tolentino at Jeric Gonzales sa isang episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Bibigyang-buhay nila ang mga karakter na tampok sa kuwento ng isang pag-iibigang susubukan ng panghuhusga mula sa ibang tao.
Si Thea ay gaganap bilang Beth, isang babaeng nag-aral sa isang kumbento bago naging isang guro.
Si Jeric naman si Alex, isang deaf student sa paaralang pinagtatrabahuhan ni Beth.
Marunong mag-sign language si Beth kaya ito ang magbubukas ng komunikasyon niya kay Alex.
Hindi magtatagal at mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.
Pero makakatanggap sila ng panghuhusga mula sa mga nakapaligid sa kanila dahil bukod sa kapansanan ni Alex, hindi nararapat na magkaroon ng relasyon ang isang guro at kanyang estudyante.
Ano ang magiging epekto nito sa relasyon ng dalawa?
Huwag palampasin ang kuwento ng kanilang pag-iibigan sa episode na pinamagatang "Sign Language of Love," ngayong Sabado, January 22, 9:00 p.m. sa '#MPK.'






