TV

Magpakailanman presents 'Anak, Kapatid, Ina”

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Yasmien Kurdi at Louise delos Reyes, magsasama sa isang madamdaming episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.

Mula sa pagiging First Princess ng kauna-unahang StarStruck, Yasmien Kurdi has gone a long way.

At kahit nagpakitang gilas na bilang bida at kontrabida, ang hindi makakalimutang mga papel ni Yasmien ay ang kaniyang pag-essay sa mga roles na pinasikat ni Sharon Cuneta: bilang Jenna sa Pati Ba Pintig ng Puso?, bilang Lupe sa Pasan Ko Ang Daigdig, at bilang Salve sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

Joining Yasmien is one of the Kapuso Network’s most dependable leading ladies.

Louise Delos Reyes takes on the role of Jane, ang kapatid ni May na gagawin ang lahat para makatulong sa kaniyang pamilya— not knowing na ang kaniyang pagsusumikap ang magdadala ng madilim na kabanata sa kaniyang pamilya!

Anong kinabukasan ang naghihintay para sa magkapatid na sina May at Jane?

At paano nila haharapin ang bukas na walang kasiguraduhan, kasama ng kanilang mga magulang na hindi na alam kung paano pa sila bubuhayin?

Alamin ngayong unang Sabado ng Marso, sa Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Kasama rin sa episode na “Anak, Kapatid, Ina” sina Glydel Mercado, Emilio Garcia, Milkcah Nacion, at Hershey Garcia. Ang episode na ito ay idinirehe ni Neal del Rosario, mula sa panulat ni Michiko Yamamoto, based sa research nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.