IN PHOTOS: Nanay na raketera, suki ng beauty contests '#MPK'

Para sa mga nanay ang episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman' ngayong Sabado.
Tampok dito si Pokwang sa kanyang unang pagganap sa #MPK.
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Helen, isang masiyahin at maabilidad na ina.
Hindi na itinuloy ng kanyang asawang si Rolando ang pagtatrabaho sa abroad dahil ayaw nitong mawalay sa pamilya.
Dahil dito, kay Helen umaasa ang dalawa nilang anak.
Honor student ang kanyang bunsong si Zsa, pero ang kanyang panganay na si Xiandre, bedridden.
May cerebral palsy at epilepsy kasi ito. Kaya naman lubos ang pagsisikap ni Helen para sa pagpapatuloy ng gamutan nito.
Lahat ng raket ay pinapasok niya, hanggang maimbitahan siyang sumali sa isang beauty contest para sa mga nanay.
Bukod sa na-enjoy niya ang kumpetisyon, nakita niya ito bilang pagkakataong kumita ng pera,
Magiging suki ng mga beauty contests si Helen, bagay na tututulan ng kanyang pamilya maliban sa supportive niyang kapatid na si Lorna.
Iisipin pa ng iba na pinapabayaan niya ang kanyang pamilya, lalo na ang anak na may sakit, para lang sumali sa mga beauty contests.
Bukod kay Pokwang, mapapanood din sa episode si Boom Labrusca na gaganap bilang asawa ni Helen na si Rolando. Si Tart Carlos naman ay ang kapatid ni Helen na si Lorna.
Si Ayra Mariano ang gaganap bilang anak niyang si Zsa at si Gold Aceron naman si Xiandre.
Huwag palampasin ang unang paglabas ni Pokwang sa '#MPK' sa "Super Nanay Kontesera," ngayong Sabado, September 2, 8:15 p.m.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






