TV

Magpakailanman presents 'Ang Masuwerteng Pinay sa Brunei: The Kathelyn Dela Cruz Dupaya Story”



Ngayong Sabado, Magpakailanman goes to Brunei para sa kuwento ng isang napakasuwerteng Pinay!

Lumalaki pa lang si Kathelyn Dupaya, naisip na niyang mapalad siyang babae.

Dahil itinapon man siya ng kaniyang tunay na ina, nahanap naman siya ng kaniyang kinilalang lola: ang mabait at mapagmahal na si Inez. Hindi man siya kaanu-ano ng matanda, minahal at pinalaki pa rin siya nito na parang tunay na apo.

Dahil sa pagmamalasakit na ipinaramdam ni Lola Inez kay Kathelyn, hindi nagdalawang-isip ang babae na suklian ang kabutihang ikinaloob sa kaniya ng kinalakihang lola.

Nag-abroad si Kathelyn para magtrabaho, at nagsipag para siya naman ang bumuhay kay Lola Inez.

Hindi naisip ni Kathelyn na sa kaniyang paglipad papuntang Brunei, magbabago ang lahat para sa kanila ni Lola Inez!

Sa simula ay maliliit na kasuwertehan lang ang natatamo ni Kathelyn—sa kaniyang pagkakapanalo sa mga company raffles. Pero nang mapansin niyang sunud-sunod na ang kaniyang suwerte, sinubukan niya ring tumaya sa isang lotto, kung saan nanalo siya not just once, but twice!

Pero sa pagdating ng suwerte sa kaniyang buhay, may matutuklasan naman siya tungkol sa kaniyang nakaraan: buhay pa ang kaniyang ina! Hindi man niya alam kung nasaan ito, Kathelyn realizes na may pera na siya na para ipahanap ang babae!

Mahanap kaya ni Kathelyn ang kaniyang ina?

Mabubuo ba niya ang kaniyang pagkatao at pamilya matapos ng napakahabang panahon?

Alamin ngayon Sabado, March 21, sa espesyal na episode ng Magpakailanman—sa Brunei—pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Itinatampok sa episode na “Ang Masuwerteng Pinay sa Brunei” sina Tessie Tomas, Gary Estrada, Carmi Martin, Bebong Osorio, and Ms. Sheryl Cruz.

Kasama rin sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales, with the special participation of Kathelyn's own children: Marlyn Kaye Dupaya, Micole Dupaya, Mikee Dupaya, Mike Dupaya, and Maria Kristina Dupaya.

Directed by Neal del Rosario, “The Kathelyn Dela Cruz Dupaya Story” ay mula sa script ni Senedy H. Que at base sa research ni Cynthia delos Santos.