Tunghayan ang magiting na laban ng isang biyuda sa sakit na breast cancer sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Isang mabuting ama at asawa si Waldo kaya sa kanyang pagsisikap, napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang asawang si Lynlin. Nakapagpundar din siya ng isang hardware store na siya nilang kabuhayan.
Bukod dito, siya pa ang umaalalay sa kanyang nakakatandang kapatid na si Eddie kahit na lasenggo at basagulero pa ito.
Mabubiyuda si Lynlin nang biglang mamatay si Waldo. Tila ito naman ang mitsa para ayusin ni Eddie ang kanyang buhay.
Hindi nagtagal, magiging sandigan nina Lynlin at Eddie ang isa't isa.
Masaya na sana ang kanilang pagsasama pero mada-diagnose ng breast cancer si Lynlin.
Mawawalan siya ng pag-asa dahil sa sunud-sunod na dagok sa kanyang buhay.
Paano malalampasan ni Lynlin ang sakit na ito?
Si Glydel Mercado ang gaganap bilang Lynlin, habang ang kanyang real life husband na si Tonton Gutierrez naman ang gaganap bilang Eddie.
Bahagi rin ng episode si Kiel Rodriguez na gaganap bilang Waldo.
Huwag palampasin ang brand new episode na pinamagatang "I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story," ngayong Sabado, August 7, 8:00 pm sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:
Si Glydel Mercado ang gaganap bilang Lynlin, isang breast cancer survivor.
Si Kiel Rodriguez naman ay si Waldo, ang asawa ni Lynlin.
Gaganap si Tonton Gutierrez bilang Eddie, ang lasenggo at babaerong kapatid ni Waldo.
Sa 'di inaasahang pagkakataon, maagang mamamatay si Waldo.
Makakahanap naman si Lynlin ng bagong pag-ibig kay Eddie.
Pero may darating na panibagong dagok sa kanilang buhay nang ma-diagnose ng breast cancer si Lynlin.
Huwag palampasin ang brand new episode na pinamagatang "I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story," ngayong Sabado, August 7, 8:00 pm sa '#MPK.'