TV

Rocco Nacino to play another Fallen 44 member in 'Magpakailanman'

By MICHELLE CALIGAN

Tulad ng kanyang Hiram na Alaala co-star na si Dennis Trillo, gaganap din bilang miyembro ng SAF Fallen 44 ang Kapuso leading man na si Rocco Nacino para sa isang episode ng Magpakailanman.

On his Instagram account on Tuesday, April 7, the actor posted a photo with the caption "Happening today.. Finally taping for Magpakailanman. Para sa iyo ito, P02 Nicky Nacino. I salute you! Abangan"



Matatandaang nag-post din si Rocco sa Instagram two months ago patungkol sa pagpanaw ni PO2 Nicky Nacino, who happens to be a distant relative.

Muling makakasama ni Rocco ang kanyang Hiram na Alaala leading lady na si Kris Bernal sa episode na ito, na malapit niyo nang mapanood.