TV

Magpakailanman presents “Boses ng Puso: The Roland “Bunot” Abante story”



Fresh from his run as Ferdinand Marcos sa London production ng musical na Here Lies Love, Mark Bautista takes on another acting role sa kaniyang pagbabalik Pilipinas!

Ngayong Sabado, muling bibida si Mark sa isang heart-warming episode ng Magpakailanman tungkol sa isang lalaki na dahil sa kaniyang paghahanap ng pamilya ay nakahanap ng kakaibang kasikatan sa internet. Ito ang kuwento ng buhay ni Roland ‘Bunot’ Abante.

Not too long ago, kumalat online ang isang video ni Bunot kung saan kita siyang hubad-baro, mukhang lasing, pero nagpapakitang gilas gamit ang kaniyang talento sa pagkanta.

Isang video na nagdala sa kaniya ng kasikatan na hindi niya inaasahan- kasikatan na magagamit niya para mahanap ang amang nang-iwan sa kanila ng kaniyang ina noon.

Pero ano nga ba ang naging buhay ni ‘Bunot’ bago siya naging viral sensation? Paano nagsimula ang kaniyang paghahanap sa nawawalang ama? At, ngayong nakikilala na si Bunot, nahanap na rin ba niya ang kaniyang ama?

Alamin kung ano na ang kinahantungan ng kuwento ni ‘Bunot’ ngayong Sabado, starring singer-actor Mark Bautista, sa Magpakailanman episode na pinamagatang: ”Boses ng Puso, the Roland ‘Bunot’ Abante story”

Kasama rin ni Mark sina Sheena Halili, Bing Davao, Frencheska Farr, Anna Marin, Jak Roberto, Diego Castro, Casey Pher Arreglo, Harvey Almoneda, at Raymond Bernas, sa ilalim ng direksyon ni Gina Alajar, at sa panulat ni Venj Pellena, mula sa research ni Stanley Pabilona.