Bibigyang-buhay ni young Kapuso actress Elijah Alejo ang kuwento ng isang batang ina sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "Teenage Mama: The Abbygail Fernandez Story," gaganap si Elijah dito bilang Abby, isang teenager na maagang magbubuntis.
Hindi naman pananagutan ng kanyang boyfriend ang batang dinadala niya.
Paano maaalagaan ni Abby ang magiging anak niya kung siya mismo ay kulang sa aruga?
Abangan 'yan sa fresh and brand new episode na "Teenage Mama: The Abbygail Fernandez Story," May 14, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:
Gaganap si Elijah Alejo bilang Abby, isang teenage mom.
Si Lara Quigaman naman ang nanay niyang si Joan.
Si Vince Crisostomo ang dating kasintahan ni Abby na si Jay.
Gaganap naman si Jeff Moses bilang Zedrick, ang tatay ng batang dinadala ni Abby.
Bahagi din ng episode sina DJ Durano at Mia Pangyarihan.
Paano haharapin ni Abby ang buhay bilang isang batang ina?
Abangan ang fresh and brand new episode na "Teenage Mama: The Abbygail Fernandez Story," May 14, 8:15 p.m. sa '#MPK.'