Love wins sa bagong episode at special Pride Month presentation ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "LGBT: Love Goals, Bakla, Tomboy," ito ang kakaibang love story nina Jerico at Kat.
Isang feminine gay si Jerico habang si Kat naman ay isang butch lesbian. Magiging magkarelasyon ang dalawa at magkakaroon pa ng anak.
Ano kaya ang mga pagsubok na haharapin nila bilang isang kakaibang LGBTQIA+ couple?
Abangan ang Pride Month special at brand new episode na "LGBT: Love Goals, Bakla, Tomboy," June 25, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa website at YouTube channel ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
Sina Boobay at Vaness del Moral ang bibida sa special Pride Month episode ng '#MPK.'
Bibigyang-buhay nila ang kuwento nina Kat at Jericho, isang kakaibang LGBTQIA+ couple.
Si Vaness de Moral ang butch lesbian na si Kat.
Si Boobay naman ang feminine gay na si Jerico.
Gaganap bilang mga magulang ni Jerico sina Malou de Guzman at Leo Martinez.
Bahagi din ng episode ang comedienne at content creator na si Krissy Achino.
Abangan ang Pride Month special at brand new episode na "LGBT: Love Goals, Bakla, Tomboy," June 25, 8:15 p.m. sa '#MPK.'