TV

Magpakailanman presents “Hakbang Tungo sa Pangarap: The Felix Emradura story”


Isang lalaki ang pipiliting harapin ang hirap ng buhay sa kabila ng isang kapansanan, at ng isang pamilyang winasak ng pagtataksil. Magagawa ba niyang pagtagumpayan ang mapait na kapalarang ibinigay sa kaniya? At may pag-asa pa ba ng isang tulad niya magkaroon ng happy ending?

Kristoffer Martin takes the lead sa isang heart-warming story tungkol sa isang pamilya na hahamakin ang lahat para makamit ang kanilang pinapangarap— isang maayos na buhay, at isang pamilya na buo. Mga pangarap na hindi magiging madali para sa kanilang mga kapos-palad.

Sa kuwento ng Magpakailanman ngayong Sabado, ating kilalanin si Felix Emradura, isang lalaking may sakit na culebra, na siyang magiging dahilan para maghirap siya habang nagsusumikap sa buhay. Ngunit hindi siya magpapatalo sa sakit na ito, sa kabila ng sunud-sunod na dagok ng kapalaran sa buhay ng kaniyang pamilya— lalo pa nang madiskubre nila na nangangaliwa ang kaniyang ama!

Mapagtatagumpayan ni Felix ang mga pagsubok na haharapin sa kaniyang kagustuhang umunlad— pero ano na lang ang gagawin niya kung muling magbalik ang amang nang-iwan sa kaniyang buhay?

Magagawa ba ni Felix patawarin ang lalaking minsa’y nagawa na silang ipagpalit?

Itinatampok ngayong Sabado si Kristoffer Martin sa isang pagtatanghal na tiyak na aantig sa mga puso ng mga manunuod; kasama ang kaniyang ka-love team na si Joyce Ching sa isang espesyal na role.

Kasama rin nila sina Jaclyn Jose, Rich Asuncion, Mayton Eugenio, Josh Clement, Nicole Dulalia, Lindsay de Vera, at si Mr. Philip Salvador sa isang natatangging pagganap bilang amang nagkamali at nagsisi.

Ang “Hakbang Tungo sa Pangarap: The Felix Emradura story” ay idinirihe ni Argel Joseph, sa panulat ni Senedy H. Que, mula sa research ni Georis Tuca.

Magpakailanman airs this Saturday, June 13, pagkatapos ng Pepito Manaloto.