IN PHOTOS: Women volunteers, patuloy ang pagronda sa '#MPK'

GMA Logo Ronda ng Kalsada on MPK

Photo Inside Page


Photos

Ronda ng Kalsada on MPK



Nagpapatuloy ang kuwento ng mga kababaihang taga-protekta ng kanilang komunidad sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.


Sa pangalawang bahagi na pinamagatang "Ronda ng Kalsada," nagpapatuloy ang pagbabantay nina Terry, Aling Chanda, Kaye, Ruby, at Lanie sa kanilang barangay.

Pero sa likod ng pagsererbisyo nila sa kanilang pamayanan, may ilang problema pa silang kailangang harapin sa kani-kanilang mga pamilya.

Involved pala sa droga ang asawa ni Terry na si Ronel, habang malalagay sa kapahamakan ang anak ni Lanie na si Lester.

Matutulungan ba nila ang kanilang sarili at ang isa't isa?

Abangan ang pagpapatuloy ng kanilang kuwento sa pangalawang bahagi ng brand new, two-part episode na pinamagatang "Ronda ng Kalsada," January 21, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Drugs
Paolo Paraiso
Lamat
Gulo
Anak
Health
Ronda ng Kalsada

Around GMA

Around GMA

Cafe na itinayo sa gitna ng farm, umaani na ngayon ang magandang kita
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta