TV

Magpakailanman presents 'Bunga ng Nakaraan: The Nestor Jasm Boller story'



Kung ano ang puno, s’ya rin daw ang bunga. Uulitin ba ng isang anak ang kinamumuhiang kasalanan ng ginawa ng kanyang ama?
 
Huwag palampasin ngayong Sabado ang natatanging pagganap ni Aljur Albrenica bilang isang anak na tinalikuran ng ama at lalaking umibig, bumuo ng sariling pamilya pero niloko ng minamahal n’ya.
 
Halos kamuhian ni Jasm ang sariling ama dahil sa pag-abandona nito sa kanila. Pero tumayo si Jasm para sa pamilya, nagawang isakripisyo ang pagaaral at kinargo ang mga responsibilidad na iniwan ng ama.
 
Nang makabuo ng sariling pamilya, bumalik sa pagaaral si Jasm para makapagtapos, magkaroon ng maayos na trabaho at maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Itinuon niya ang atensyon sa trabaho, pagaaral, at pagaalaga sa anak.
Hanggang sa nalaman niya na may ibang karelasyon ang kanyang kinakasamang si Eliza. Hindi natanggap ni Jasm ang panlolokong ginawa ni Eliza. Humantong ito sa kanyang pagrerebelde hanggang sa napariwara ang kanyang buhay. Napabayaan ni Jasm ang sarili at ang anak. Dahil sa panloloko ni Eliza, tutuluran ba ni Jasm ang ama at tuluyang tatalikuran ang responsibilidad sa kanyang anak? Kailan muling makakatagpo ng bagong pag-ibig ang tulad niyang halos mawalan na ng paniniwala sa totoong pagmamahal?
 
Sa natatanging pagganap ni Aljur Abrenica, tunghayan ang tunay na kuwento ng buhay ni Jasm at abangan kung paano niya binago ang bunga ng kanyang nakaraan. Kasama rin sa episode sina Sheena Halili, Sharmaine Arnaiz, Joko Diaz, Shyr Valdez, Julian Trono, Tata Mara, Julia Lee, Abel Estanislao, at Vince Velasco.
 
Ang “Bunga Ng Nakaraan: The Nestor Jasm Boller Story” ay mula sa panulat at direksyon ni Albert Langitan at mula sa pananaliksik ni Loi Argel Nova.
 
Huwag palampasin ang isang kuwento ng pagpapahalaga sa sarili at pamilya, ngayong Sabado, June 27, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman. Pagkatapos ng Pepito Manaloto.