Isang celebrity life story ang tampok sa brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Matutunghayan ngayong Sabado ang kuwento ng buhay ni Asia's Nightingale Lani Misalucha.
Mula sa bacterial meningitis na nakapinsala ng kanyang pandinig, hanggang sa pagkakasangkot sa isang pyramid scam na umubos sa savings ni Lani, masusubukan ang kanyang tatag, pananamapalataya pati na ang pagsasama nila ng kanyang asawang si Noli.
Paano nalampasan ni Lani at lahat ng ito? Saan siya humuhugot ng lakas para ipagpatuloy ang kanyang pag-awit?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Voice of Love: The Lani and Noli Misalucha Love Story," September 9, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
Dahil sa kanyang angking talento, tinaguriang Asia's Nightingale ang singer na si Lani Misalucha.
Si Glaiza de Castro ang magbibigay-buhay sa pambihirang kuwento ni Lani Misalucha sa '#MPK.'
Gaganap si Juancho Trivino bilang Noli Misalucha, ang asawa ni Lani.
Maraming pagsubok ang hinarap ni Lani at Noli, kabilang ang pagkaubos ng kanilang ipon dahil sa isang pyramid scam.
Nagkaroon ng malubhang bacterial meningitis si Lani at Noli na nagdulot ng pinsala sa kanilang pandinig.
Panoo naipagpapatuloy ni Lani ang kanyang pag-awit?
Abangan ang brand new episode na "Voice of Love: The Lani and Noli Misalucha Love Story," September 9, 8:15 p.m. sa '#MPK.'