TV

Magpakailanman presents 'The Alden Richards story'

PHOTO BY KARL PANAL, GMANetwork.com

Isa si Alden Richards sa mahuhusay na mga aktor ng kaniyang henerasyon, kaya naman hindi nakapagtataka ang magandang takbo ng kaniyang career ngayon.

Milyon-milyon ang sa kanya’y nababaliw… isang ngiti at konting kaway lang niya ay tumitili na ang buong sambayanan… Pambansang dimples at Pambansang Bae ang bansag sa kanya ng lahat… Malapit sa puso ni Yaya Dub. Isa sa dahilan kung bakit patok ang tambalang #AlDub…

Pero sa likod ng kaniyang bawat ngiti, ano ang kuwentong nagkukubli?

Alam na ng nakararami na bago makasama sa cast ng Alakdana ay ilang beses ring nabigo si Alden sa kaniyang pag-aartista. Pero ano nga ba ang nagtulak sa binata na magpursige sa industriya kahit na paulit-ulit siya nitong tinanggihan?

PHOTO BY KARL PANAL, GMANetwork.com

Ito ang kuwentong tatalakayin natin ngayong Sabado, ang kuwento ng buhay ni Alden Richards.

Mula pagkabata, nakita na ni Rosario Faulkerson na ina ni Alden na may kinabukasan ang anak sa mundo ng showbiz. Kaya sa murang edad pa lamang ay minumulat na ng ina ang anak sa mundong ito. Dinadala ang anak sa malls para, gaya ng mga iniidolo nilang mga artista, ay ma-discover rin ang batang Richard Faulkerson, Jr— na mas kilala na natin ngayon bilang Alden.

Sa pagtanda ni Alden, makikita na rin nito na bukod sa pag-aartista ay gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral—bagay na ikinatutuwa ng kaniyang ama. Para kasi kay Richard Faulkerson, Sr., mas may kinabukasan ang anak kung magtapos ito ng kolehiyo.

Magbabago lang ang takbo ng isip ni Alden nang isang araw ay isugod ang ina niya sa ospital. Malalaman ng pamilya ni Alden na may malalang sakit si Rosario, na lubos nilang alalahanin. Hihimukin ni Alden ang ina na magpakatatag at lumaban, na kaya pa nitong mabuhay. Sasabihin naman ng ina niya na gagawin niya ‘yun kung maibibigay ni Alden ang tangi niyang hiling—ang makita ang anak na isang ganap na artista.

PHOTO BY KARL PANAL, GMANetwork.com
 

Naging mailap man sa simula ang pangarap para sa kanya ng ina, ay hindi nawalan ng pa-asa si Alden Pero sa paglipas ng panahon ay magiging mailap kay Alden ang pangarap ng ina at habang tumatagal ay humihina rin si Rosario.

Nang pumanaw ang number one fan ni Alden, ang kanyang ina, ay hindi sya pinang hinaan ng loob, sa halip ay lalo syang nagpursige upang makamit ang kanilang mga pangarap.

Mula 2010, napakarami na ang nabago sa kanyang buhay. Kinilala na natin noon bilang isang mahusay na actor at performer, minahal sa mga teleserye gaya ng Alakdana, One true love, Carmela at ngayon naman, sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ngayon, nakapagrecord na rin sya ng bagong album under GMA Records, kung saan ang 1st single nito na “Wish I May” ay nag number 1 agad sa iTunes, ilang oras matapos ito ilabas.

Sa katauhan ni Alden Richards, ating masasaksihan na kung buo ang ating loob at may kalakip na pananalig sa Diyos, tiyak na matutupad ang pinakamimithing mga pangarap…

…SA TAMANG PANAHON!

Ito ang kwento ng buhay ni Alden Richards na mapapanood ngayong Sabado, September 12 sa Magpakailanman.

Itinatampok sina Alden Richards as himself, with Jackielou Blanco and Mark Gil. Makakasama din sa nasabing episode sina Louise delos Reyes, Lui Manansala, Alyssa Alvarez, John Fontanilla, Kalriz Magboo, Christian Ramirez, Janna Monasterio.

Sa mahusay na direksyon ni Ms. Gina Alajar, sa panulat ni Ms. Suzette Doctolero at Jason Lim at sa pananaliksik ni Cynthia delos Santos.