Kuwento ng tatay na tinulungan ng GMA Kapuso Foundation, tampok sa '#MPK'

Isang special presentation, katuwang ang GMA Kapuso Foudnation, ang mapapanood sa brand new episode ng '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Tampok sa episode na "Ang Mister Na Walang Misis" ang kuwento ng isang ama na tinulungan ng GMA Kapuso Foundation.
Isang simpleng tao lang si Benjie na nagtatrabaho para sa kanyang asawa at dalawang anak.
Naghahangad ng mas magandang buhay ang asawa niyang si Naty pero sadyang hindi ito kaya ni Benjie.
Magugulat na lang si Benjie nang bigla silang abandunahin ni Naty. Sisikaping hanapin ni Benjie ang asawa kaya luluwas siya sa Maynila.
Sa kanyang paglilibot, 'di inaasahang mapapadpad siya sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation.
May pag-asa pa bang maayos nina Benjie at Naty ang kanilang pagsasama? Paano tutulungan ng GMA Kapuso Foundation si Benjie?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Ang Mister Na Walang Misis," November 25, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






